CAAP at EASA, nagsanib pwersa para bumuo ng civil aviation master plan

Ngayon ang huling araw ng isinasagawang high-level session sa pagitan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP at European Union Aviation Safety Agency o EASA.

Upang bumuo ng isang civil aviation master plan na ang layunin ay pagbutihin at patatagin pa lalo ang seguridad ng mga paliparan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa at para tumugon din sa mga hamon sa industriya ng aviation sa Pilipinas.

Bahagi ng isinasagawang session ang mapabuti ang koneksyon sa air transport at kaligtasan ng mga bansang kasapi ng ASEAN at European Union (EU).


Isa rin itong mahalagang plataporma upang mailahad ang mga layunin, matugunan ang mga hamon sa sector at makabuo ng isang pananaw para sa mas sustainable na industrya ng aviation.

Nais ng CAAP na ipakita ang kanilang dedikasyon na palakasin ang strategic partnerships na magdadala ng long-term benefits.

Facebook Comments