CAAP, pinawi ang pangamba ng air travelers sa harap ng mga trahedya sa himpapawid

Nilinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines na ang air travel pa rin ang pinakaligtas sa paglalakbay.

Sa harap ito ng sunud-sunod na aksidente sa himpapawid sa iba’t ibang bansa.

Iginiit din ni CAAP Spokesman Eric Apolonio na ang nangyaring banggaan ng military helicopter at ng isang eroplano sa Amerika ay bunga ng hindi tamang pagsunod sa procedures.


Sa nangyari namang pagbagsak ng helicopter sa Nueva Ecija, sinabi ni Apolonio na walang nakita ang CAAP na paglabag ng aviation company bagama’t nagpapatuloy ang pagbuo sa wreckage ng aircraft bilang bahagi ng imbestigasyon.

Kanina ay muling nagsagawa ng inspeksyon ang CAAP officials sa air traffic control para matiyak na napapanatili ang kaligtasan ng mga aircraft sa himpapawid.

Facebook Comments