PBBM, pinulong ang MMDA hinggil sa Comprehensive Traffic Management Plan sa ilang lugar sa bansa

Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Metro Manila Development Authority (MMDA) tungkol sa problema sa traffic sa Metro Manila at mga karatig-probinsya.

Bukod sa MMDA, kasama sa pulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagbigay ng updates kay Pangulong Marcos si MMDA Chairman Romando Artes tungkol sa Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP).


Ang CTMP ay nagtatatag ng pangkalahatan, people-oriented at sustainable mobility system sa pamamagitan ng pagpapaigting ng
transportation infrastructure at pagpapatupad ng epektibong traffic management strategy.

Inaprubahan ng MMDA kasama ang 16 local government units at mga kaukulang ahensiya ang CTMP noon pang 2022 para sa limang taong action plan para mapaliwag ang mabigat na trapiko sa NCR.

Saklaw nito ang 12 traffic management strategies, kabilang ang agaran at tuloy-tuloy na pagsasaayos ng 209 traffic bottlenecks, lalo na ang 42 pangunahing intersections, 64 kalsada at pitong lugar.

Facebook Comments