
Kinumpirma ni Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na ilalagay na rin sa kontrol ng Comelec ang Cabuyao City, Laguna.
Ayon kay Garcia, may pinasok silang compound sa naturang bayan upang alamin ang mga alegasyon ng vote buying.
Sinabi ni Garcia naglabas na ng show cause order ang Kontra Bigay upang pagpaliwanagin ang mga kandidatong sangkot kung saan umaasa siya na sa pamamagitan ng kautusan ay titigil na ang mga nagsisigawa ng pamimili ng boto.
Sakali naman hindi titigil, hindi sila tatantanan ng Comelec at tiniyak na mananagot sila sa batas.
Samantala, isang kandidato rin sa Occidental Mindoro ang pagpapaliwanagin ng Comelec matapos na sumama o makibahagi sa pamimigay ng ayuda.
Facebook Comments