Isinailalim ang bayan ng Calasiao sa Pangasinan sa state of calamity araw ng Miyerkules, September 2, 2026 matapos pormal na aprubahan ang Resolution No. 109, Series of 2026 na tumatalima sa Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 985-2026 na nagdedeklara sa buong Pangasinan sa ilalim ng State of Calamity dahil sa patuloy na pag-ulan at malawakang pagbaha.
Hakbang ito upang tugunan ang malawakang epekto ng kalamidad hindi lamang sa bayan kundi sa buong lalawigan.
Sa kasalukuyan, nakakaranas pa rin nang matinding pagbaha ang bayan ng Calasiao kabilang diyan ang mga barangay ng Longos, Lumbang, Lasip at Mancup kung saan nagsagawa ng rescue and evacuation operation para sa mga apektado ng baha na dinala sa Calasiao Sports Complex upang pansamantalang manirahan.
Baha rin sa mismong sentro ng bayan kabilang ang mga pangunahing kalsada, pampublikong pamilihan at mga paaralan.
Patuloy rin ang pagsasagawa ng sandbagging operations sa Brgy. San Vicente Riverside upang maging dagdag proteksyon at mapigilan ang posibleng pag-apaw ng tubig mula sa ilog na siyang magpapataas ng tubig baha.
Samantala, nanatili namang handa at naka-alerto ang LGU ng Calasiao sa mga emergency at sa patuloy na epekto ng habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










