Arestado ang 34-anyos na lalaki, na bilao maker na itinuturing na Top 1 most wanted individual sa Urbiztondo, Pangasinan.
Isinagawa ng tauhan ng uribiztondo municipal police station ang pag aresto sa naturang indibidwal noong Setyembre 16, 2026.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu kaugnay ng kasong Statutory Rape, na walang inirekomendang piyansa.
Nahaharap din ang suspek sa dalawang bilang ng Child Sexual Abuse, na may inirekomendang piyansang ₱200,000 para sa bawat bilang.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa kustodiya ng Urbiztondo municipal police station para sa kaukulang disposisyon at pagpapatuloy ng mga naaangkop na legal na proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











