Canadian Prime Minister Justin Trudeau, bumisita sa Tondo at dumaan pa sa isang fastfood chain kahapon

139

Manila, Philippines – Mula Clark, Pampanga, dumiretso sa Tondo, Maynila si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Bumisita si Trudeau sa Likhaan Center for Women’s Health na clinic na dalawang taong nang pinopondohan ng Canada.

Pagkatapos nito, dumaan rin siya sa isang fastfood chain at nagpakuha ng larawan sa mga staff at customer doon.

Nasa Pilipinas si Trudeau bilang guest of chair sa ika-31 ASEAN Summit.

Facebook Comments