CBCP, labis ang pasasalamat kasunod ng pagpili ng bagong Santo Papa

Labis na nagpapasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magkaroon muli ng Santo Papa.

Matapos na mahalal si Cardinal Robert Francis Prevost o si Pope Leo XIV na bagong lider ng simbahang Katolika.

Ayon kay CBCP Spokesperson Jerome Secillano, na sa wakas ay may naitalaga nang Santo Papa na magiging Vicar of Christ o kahalili ni Kristo.

Sa kabila nito, inihayag ni Secillano na mananatili ang synodality at walang magbabago dahil patuloy pa rin suporta ng mga Katoliko sa Pilipinas sa bagong Santo Papa.

Samantala, wala pang inilalabas na schedule ang CBCP para sa magiging misa ngunit patuloy naman ang pag-aalay ng dasal para kay Pope Leo XIV.

Facebook Comments