
Asahang daragsa ngayong araw hanggang bukas, Mayo 10, ang mga pasahero na mag-uuwian para sa 2025 Midterm Elections.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), aabot sa 150,000 na mga pasahero ang gagamit ng paliparan para umuwi sa kani-kanilang lalawigan.
As of May 7, nasa 145,000 naman na ang gumamit ng terminal.
Pagtitiyak naman ng pamunuan ng NAIA na magiging ligtas at komportable ang biyahe ng bawat mananakay.
Samantala, ininspeksyon naman ngayong umaga ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang NAIA para matiyak naman na maayos ang sitwasyon lalo na sa departure area ng Terminal 1 kung saan nangyari ang malagim na insidente noong May 4, kung saan dalawa ang nasawi, kabilang na ang isang 4-year old na bata.