
Ilulunsad ng Department of Education (DepEd) Central Office ang kanilang Election Command Center simula ngayong Linggo.
Ang Election Command Center ng DepDd ay magsisilbing 24/7 hotline upang gabayan ang mga teaching and non-teaching personnel na magseserbisyo ngayong halalan.
Sa pamamagitan ng pakikipag-coordinate ng command center sa Commission on Elections (Comelec), Public Attorney’s Office (PAO), at sa iba pang mga ahensiya upang matiyak ang seguridad at kapakanan ng mga guro habang nagsisilbi sa buong halalan.
Narito ang mga hotline na maaaring kontakin simula sa darating na Linggo:
Sa pamamagitan ng landline
028 633 72 56
Sa pamamagitan ng email:
eleksyon@deped.gov.ph
Ang DepEd Election Command Center 24/7 ay fully operational simula sa May 11 hanggang May 13.