Muling hinarang ng mga tauhan ng China Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas na patungong Escoda Shoal.
Sa press briefing ngayong hapon, kinumpirma ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na may mga pagkakataong sinadyang banggain ang mga barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung saan dalawang beses pang binomba pa ng tubig.
Ayon kay Tarriela, ito ang unang pagkakataon na tumulong ang mga barko ng People’s Liberation Army ng China sa pangha-harass sa mga barko ng Pilipinas.
Muli namang tiniyak ng PCG na gagawin pa rin nila ang lahat upang maprotektahan ang mga Pilipinong mangingisda sa loob ng ating teritoryo.
Facebook Comments