Holiday sa Dec. 8 na tumapat sa araw ng Linggo, hindi ililipat ng Malacañang

Hindi ililipat ng Malacañang ang special non-working day sa December 8 o Feast of the Immaculate Conception, na tumapat sa araw ng Linggo.

Sa ilalim ng Republic Act Act No. 10966, deklarado ang December 8 ng bawat taon bilang special non-working day sa buong bansa.

Kalimitang inililipat ng Palasyo ang holiday sa pinakamalapit na working day sa weekends para magkaroon ng long weekend na makakatulong aniya sa ekonomiya ng bansa, alinsunod sa holiday economics.


Pero ayon sa Presidential Communications Office (PCO), mismong ang Office of the Executive Secretary na ang nag-kumpirma na hindi gagalawin ang nasabing holiday.

Facebook Comments