Chinese national, arestado sa Muntinlupa City dahil sa scamming activities

Inaresto ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang isang Chinese national sa Muntinlupa City dahil sa scamming activities nito.

Ang Tsinong si Haipeng Wang ay naaresto matapos magtimbre sa mga awtoridad ang Ayala Alabang Village Association (AAVA) officers kaugnay ng iligal na aktibidad ng dayuhan.

Nabawi rin mula sa Chinese national ang laptops, assorted ATM cards, at One-Time Pin.

Inaresto rin ang limang mga Pinoy na kasamahan nito sa bahay para sa kaukulang imbestigasyon at beripikasyon.

Ang Chinese national ay sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act.

Facebook Comments