
Cauayan City – Dinakip ng mga awtoridad ang isang ginang sa lungsod ng Cauayan dahil sa kasong talbog cheke me kinakaharap nito.
Sa ikinasang Manhunt Operation ng mga PNP-Highway Patrol Group, naaresto ang ginang na kinilala sa pangalang “Rofelene”, 54-anyos, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte.
Nahaharap ang suspek sa 22 bilang ng kasong paglabag sa BP 22 o Bouncing Check Law.
Matapos ang pagkakadakip, dinala sa himpilan ng Isabela Provincial Highway Patrol Team sa lungsod ng Cauayan para sa dokumentasyon.
Facebook Comments