
Sugatan ang isang Chinese national matapos mabaril sa tiyan ng kababayan nito na kaniyang nakaalitan sa loob ng casino sa Maynila.
Nakilala ang biktima na si Gui Hau Fan, 56-anyos na residente ng Caloocan City.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Station-11, nangyari ang insidente sa loob ng Prime Luck Casino sa Sabino Padilla kanto ng Ongpin Street sa Binondo.
Kwento ng mga guwardiya ng establisyimento, dumating ang biktima sa casino kung saan nilapitan nito ang suspek na si alyas Mr. Lee saka sinampal.
Bumunot ng baril ang suspek at nauwi sa pambuno ang dalawa hanggang sa mabaril sa tiyan ang biktima.
Kasalukuyang ginagamot sa Metropolitan Hospital ang biktima habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek.
Facebook Comments