Pagpapabagsak ng mga aircraft, chopper at drone, isinagawa sa nagpapatuloy na Balikatan Exercise

Nagpakitang-gilas ang tropang Pilipino at Amerikano sa ilalim ng Balikatan Exercise matapos magsagawa ng joint formation at Subject Matter Expert Exchange (SMEE) sa Naval Education, Training and Doctrine Command (NETDC) sa Zambales.

Ang SMEE ay nakatuon sa Avenger Air Defense System na isang makabagong mobile air defense platform na kayang lumusob habang nagpapaputok.

Bitbit ng Avenger ang walong FIM-92 Stinger missiles infrared-guided at “fire-and-forget” na kayang makalock-on at makabagsak ng mga low-flying aircraft, choppers, at drones kung saan nakakabit ito sa Humvee na kilala sa bilis at galing sa pag-engage ng target.

Layon ng aktibidad na palalimin pa ang taktikal na ugnayan at palakasin ang kakayahang magtulungan sa mga operasyong militar, bilang patunay ng matatag na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos para sa seguridad ng rehiyon.

Facebook Comments