
Nagsagawa ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng manhunt operation katuwang ang Korean National Police Agency, Bureau of Immigration (BI) – Fugitive Search Unit sa Brgy. Igpit, Opol, Misamis Oriental.
Naging daan ito sa pagkakaaresto ng isang Korean national na kinilalang si “Jang,” na mayroong Interpol Red Notice.
Nabatid na si Jang ay pinaghahanap sa South Korea dahil sa paglabag sa Fraud of the Punishment of Tax Offenses Act.
Agad namang dinala sa BI sa Maynila ang suspek para sa kaukulang disposisyon.
Ayon sa CIDG, ang pagkakaaresto kay Jang ay malinaw na mensahe na hindi ligtas na taguan ang Pilipinas para sa mga pugante.
Facebook Comments