ERC, maglalabas na show cause order laban sa SIPCOR dahil sa krisis sa kuryente sa Siquijor

Nakatakdang mag-isyu ng show cause order ang Energy Regulatory Commission (ERC) laban sa Siquijor Island Power Corporation (SIPCOR) na pag-aari ng Prime Assets Ventures Incorporated ng pamilya Villar.

Dahil pa rin ito sa kalbaryong nararansan ng mga residente sa supply ng kuryente sa Siquijor.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dapat sagutin ng SIPCOR ang mga isyung kinahaharap ng nasabing kompanya.

Ilan aniya sa mga ay ang mababang power supply inventory, delayed procurement, at kawalan ng available na spare parts, at unsynchronized preventive maintenance ng diesel power facilities.

Dapat ding sagutin ng SIPCOR ang usapin sa expired power plant certificate of compliance, at rental generating sets na nag-ooperate nang walang permit.

Sinabi rin ni Castro na nagpadala naman ng power gensets ang SIPCOR kasunod ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Siquijor kamakailan, pero napag-alamang may problema rin ang mga pinadala nitong gensets.

Giit ni Castro, responsibilidad sana ng power provider ang paglutas sa sulirinan sa kuryente sa lugar, na ngayon ay pinaglalaanan ng pondo at oras ng gobyerno.

Facebook Comments