CLEARING OPERATION SA PUBLIC CEMETERY BONERY SA BAYAMBANG, ISINAGAWA NG MDRRMO

Nagsagawa ng clearing operation sa Public Cemetery – Bonery sa Bayambang bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na tag-ulan at pag-iwas sa posibleng sunog ngayong nakararanas ng matinding init ng panahon.
‎Agad na tumugon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa kahilingan ng SEE upang tumulong sa paglilinis at pagsasaayos ng nasabing lugar.
‎Kabilang sa mga isinagawang hakbang ang pagtanggal ng mga malalaking punongkahoy at makakapal na damo na maaaring magdulot ng panganib sa mga bumibisita at sa mga residente sa paligid.

Nag-deploy ang MDRRMO ng mga trained responders na may kumpletong kagamitan upang mas mapabilis ang clearing operations. Mas naging epektibo at maayos ang paglilinis sa nasabing bahagi at tiniyak rin ang kaligtasan at kaayusan sa loob ng sementeryo.

Magpapatuloy naman umano ang ganitong uri ng operasyon ng MDRRMO bilang bahagi ng kanilang mandato at masiguro ang kaligtasan ng mamamayan, mapanatili ang kaayusan sa komunidad, at mapalakas ang kahandaan sa anumang sakuna.

Facebook Comments