COMELEC, ikinatuwa ang 82% na gradong nakuha nila sa Pulse Asia

79

Ikinatuwa ng Commission on Elections (COMELEC) ang 82% na grado na nakuha nila sa Pulse Asia.

Naniniwala si COMELEC Chairman George Erwin Garcia na marahil ito ay bunga ng matagumpay na halalan noong Mayo.

Wala rin aniyang mga naitalang mga karahasan sa nakalipas na eleksyon.


Ang pinakahuling eleksyon din aniya ang nakapagpalabas ng pinakamabilis na resulta ng halalan.

Facebook Comments