
Pinayuhan ni Senator-elect Tito Sotto ang mga kasalukuyang senador na aralin muna ang mga naging proseso ng mga naunang impeachment trial.
Giit ni Sotto, bago pumutak ay aralin muna ng mga kasalukuyan at mga baguhang senador ang records at debate noong 11th Congress kung saan dito nangyari ang kauna-unahang impeachment na kaso kay dating Pangulong Erap Estrada.
Kasama aniya si dating Senator Miriam Defensor Santiago at ibang mga beteranong senador na bumalangkas at tumalakay noon sa naging proseso ng impeachment.
Iginiit ni Sotto na may depekto ang ginawang pag mosyon ng impeachment court na ibalik sa Kamara ang articles of impeachment complaints.
Ang paghahain aniya ng mosyon ay tanging defense at prosecutor panel lamang ang pwedeng makagawa at hindi ang mga senator judge.
Itinuro aniya sa kanila na maaari lamang magtanong “for clarification” ang mga senador at hindi sila maaaring magmosyon.