COMELEC Spokesman Jimenez at isa pang opisyal, pinare-relieve sa pwesto

492

Inirekomenda ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rey Bulay na i-relieve muna sa puwesto sina Directors James Jimenez at Frances Arabe matapos makansela ang huling presidential at vice presidential debates na nakatakda sana noong April 23 at 24, 2022.

Ayon kay Bulay, mas makabubuting i-relieve na muna sa puwesto sina Jimenez at Arabe para matiyak ang patas na imbestigasyon sa nangyaring gulo sa “PiliPinas Debates 2022.”

Aniya, dapat magtalaga muna ng temporary replacements sa mga puwesto nina Jimenez at Arabe para maipagpatuloy ang trabaho.


Nilinaw naman ni Bulay na maari pa ring ipagpatuloy nina Jimenez at Arabe ang iba nilang trabaho pero kailangang nasa ilalim ng supervision ng kani-kanilang committee heads para hindi maantala ang election operations.

Ibinigay na aniya niya ang naturang rekomendasyon kay COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan para desisyunan.

Facebook Comments