Nanakawan ang isang computer shop sa MH Del Pilar St., Dagupan City matapos pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek matapos tangayin ang tinatayang ₱15,000 na kita noong Mayo 1, 2026.
Sa kuha ng CCTV ng naturang shop, makikita ang lalaking pumasok sa loob ng establisyemento kung saan may nakaidlip na bantay sa may bukana sa siyang Sinamantala ng suspek upang makalapit sa kaha at makuha ang perang pinagkakitaan ng Computer Shop.
Sa loob lamang ng ilang sandali, tuluyang nakatakas ang suspek dala ang pera na kasalukuyan nang tinutugis ng pulisya.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, ayon sa mga tagapangasiwa, ilang linggo na umanong napapansin ang suspek na paikot-ikot sa shop.
May mga customer din umanong nagsabi na tila nagmamasid ito sa loob ng establisyemento bago naganap ang insidente.
Nanawagan naman ang pamunuan ng shop sa sinumang maaaring nakakakilala sa suspek na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang mapanagot ang salarin.
Umaasa rin ang mga tagapangasiwa na sakaling maaresto ang suspek, maibabalik pa ang perang natangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










