
Naungkat ang isyu sa West Philippine Sea (WPS) sa pagdinig ng House Tri-Committee ukol sa paglaganap ng fake news at misinformation lalo na sa social media.
Ito ay nang magkasagutan sina Sagip Part-list Representative Rodante Marcoleta at Philippine Coast Guard Spokesman for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.
Inungkat ni Marcoleta ang kumalat sa social media na sinabi raw ni Tarriela na siya ay traydor kaugnay sa pahayag niya na kathang isip lang ang West Philippine Sea (WPS).
Itinanggi ito ni Tarriela pero hindi raw niya ito itinama dahil may sinabi rin na hindi magandang salita laban sa kanya si Marcoleta tulad ng pagiging mangmang.
Nagpaliwanag naman si Marcoleta na kailangang iparehistro ang pangalang West Philippine Sea.
Diin naman ni Tarriella, tumitindig siya sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi kathang-isip ang WPS at sinumang magsabi na ito ay gawa-gawa ng gobyerno ay maituturing na “disservice” at kahihiyan sa organisasyon, partido at sa kanyang pamilya.