DOH, inanunsyo ang pagtaas ng benepisyo na ipagkakaloob ng PhilHealth sa mga pasyenteng may dengue

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na itinaas na ng Philhealth ang benepisyo na ibinibigay nito sa mga pasyente na may dengue.

Sa abiso ng DOH, ang dating P10,000 na ibinibigay sa mga may dengue fever ay itinaas na sa P19,000.

Ang mga may severe dengue naman ay tatanggap na ng P47,000 mula sa dating P16,000.


Kaya naman, umaapela ang DOH at PhilHealth sa mga may dengue na huwag hahayaan na lumala ang naturang sakit at magtungo na agad sa ospital.

Maging ang nakararanas ng sintomas ay magpasuri na rin agad, at huwag mag-alala dahil sagot na ng PhilHealth ang pagpapagamot.

Facebook Comments