
Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na hindi apektado ng aktibidad ng Bulkang Bulusan ang paghahanda sa halalan sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, limitado lamang hanggang sa ngayon sa ashfall ang volcanic activity matapos sumabog ang bulkan ngayong Lunes ng umaga.
Wala pa ring ipinatutupad na forced evacuation o paggamit ng voting center bilang evacuation sites sa mga lugar na apektado.
Sa kabila niyan, inatasan na ang Election Officers na makipag-ugnayan sa Department of Education, Phivolcs at Local Government Units para sa pagbuo ng election-related contingency plan sakaling lumala pa ang sitwasyon ng bulkan.
Sa ngayon, nasa Alert Level 1 ang Mt. Bulusan dahil sa naitalang phreatic eruption kanina.