FEB-IBIG SONG FAIR SA SANTIAGO, TAMPOK SA ARAW NG MGA PUSO

Cauayan City – Maghahatid ng nakakatuwang pakulo ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Santiago ngayong darating na araw ng mga puso para sa mga Santiagueño.

Sa ibinahaging anunsyo ng alkalde ng lungsod na si Atty. Sheena Tan, tampok sa Valentines Day ang Feb-Ibig Song Fair na gaganapin sa 4 lanes, Plaza – Concert Ground Brgy. Malvar, Santiago City.

Matutunghayan ang harana performance ng celebrity guest na si Kris Lawrence na tinaguriang Prince of R&B.


Maari ring mag request ng kanta na dedicated para sa iyong special someone sa mga local performers na dadalo sa nabanggit na event.

Maliban dito, tampok rin ang iba’t-ibang booths kagaya ng Photo Booth, Wedding Booth, at Jail Booth kaya naman inaanyayahan ang lahat na dumalo at makisaya sa Feb-Ibig Song Fair.

Facebook Comments