DA, gagamit na rin ng drone upang makapag-spray ng pataba at pamatay peste sa mga taniman ng palay sa bansa

Gagamit na rin ng drone ang Department of Agriculture (DA) upang mabilisang makapag-spray ng fertilizers at pesticides sa malalawak na taniman ng palay sa bansa.

Ayon kay Executive Director Glenn Estrada, sa ilalim ng Drones4Rice Program, pinag-aaralan nila ang integration ng precision farming practices, gaya drone-assisted spraying sa rice farming areas.

Inihahanda na aniya ang ang mga ipatutupad na protocols, standards at monitoring systems upang maka-access ang farm cooperatives sa mga ligtas at epektibong pataba at pamatay peste.

Kabilang lamang ito sa mga isinusulong ng Fertilizer and Pesticide Authority na diskarte upang gawing moderno ang sektor ng agrikultura.

Kabilang dito ang pinalakas na digitalization ng licensing at pagpapa accredit ng fertilizer at pesticides, pinaigting na first-border inspections at patuloy na pag-updates sa Fertilizer and Pesticide Regulatory Policies.

Facebook Comments