Runaway na Pinoy domestic workers sa Saudi Arabia, pinag-a-avail ng DMW sa six-month grace period ng Saudi

Pinapayuhan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga runaway Filipino domestic workers sa Saudi Arabia na samantalahin ang six-month grace period na binigay ng Saudi government.

Ito ay para maitama ang kanilang legal status sa KSA at maiwasan ang penalties.

Ayon sa DMW, kailangan lamang magtungo ng mga Pinoy domestic workers sa Migrant Workers Office sa Riyadh, Jeddah, at Al Khobar.

Sa ngayon, mahigit isang daan ang Pinoy domestic workers sa Riyadh at Jeddah ang sinasabing tumakas sa kanilang mga employer, habang 50 naman sa Al Khobar.

Ilan naman sa mga ito ang nabigyan na ng exit visas to at naghihintay na lamang ng kanilang plane tickets mula sa kanilang agencies o hindi kaya ay sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa kanilang repatriation.

Facebook Comments