Pamahalaan, handang makipag-ugnayan sa Interpol para mapauwi ng bansa si Atty. Harry Roque —Malacanang

Handang makipag-ugnayan ang pamahalaan sa International Criminal Police Organization (Interpol) para mapabalik sa Pilipinas si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng inilabas na warrant of arrest ng mababang korte sa bansa laban kay Roque dahil sa kasong qualified human trafficking.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sinabi na rin ni Usec. Nicholas Felix Ty na maaaring makipag-cooperate ang Department of Justice sa Interpol tungkol sa nasabing usapin.

Samantala, inaasahan naman ng Palasyo na gagawing depensa ni Roque na biktima siya ng political persecution.

Una nang iginiit ni Roque na hindi siya maaaring maipa-deport pabalik sa Pilipinas sa ngayon dahil may naka-pending umano siyang petition for asylum sa ibang bansa.

Giit ni Castro, kung walang maipakitang ebidensya ng panggigipit at napatunayang legal at may basehan ang mga kaso laban sa kanya, hindi aniya ito magiging sapat na dahilan upang hadlangan ang pagpapabalik kay Roque sa bansa.

Facebook Comments