DA, ipinamahagi sa mga apektado ng Bagyong Kristine ang donasyong bigas mula sa South Korea

Abot sa 100,000 bags ng donasyong bigas mula sa South Korea ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa mga apektado ng Bagyong kristine sa Region 1 hanggang Region 4.

Ang bayan ng Laurel sa Batangas ay isa sa pinakamatinding lugar na tinamaan ng Bagyong Kristine kung saan maraming pamilya ang kinailangang ilikas at marami ang nawalan ng tahanan na nangailangan ng permanenteng tirahan.

Ang bigas na umaabot sa 4,000 metriko tonelada ay bahagi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Plus Three Emergency Rice Reserve’s Tier 3 program.


Ang Pilipinas ay ikinatawan ng National Food Authority (NFA) sa ASEAN Plus 3 Emergency Rice Reserve Program.

Facebook Comments