DA, tiniyak na may sapat na pondo para sa RCEF

Tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na may sapat na pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.

Ayon kay Sec. Tiu laurel Jr., nasa P30 billion ang pondo para sa RCEF na naglalayong suportahan ang mga magsasaka sa ilalim ng Rice Tariffication Law o RTL.

Aniya, sa ilalim ng probisyon ng inamyendahang RTL, kanilang isinulong na manatili ang pondo para sa RCEF kahit binabaan pa ang taripa ng mga imported na bigas.


Sinabi pa ni Tiu Laurel na mula sa mga nalikom na buwis sa mga imported na bigas mananatili ang RCEF hanggang sa taong 2031 bilang suporta sa mga lokal na magsasaka.

Facebook Comments