DOJ, hiniling sa SC na huwag pagbigyan ang petition for habeas corpus ng magkakapatid na Duterte

Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa Korte Suprema na huwag pagbigyan ang petition for habeas corpus na inihain ng magkakapatid na Duterte.

Batay sa sagot ng DOJ na kumatawan para sa gobyerno ng Pilipinas, moot o wala nang saysay at kulang na sa merito ang mga petisyon para ibalik sa bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte na inilipad patungong The Hague, Netherlands noong nakaraang March 11.

Naniniwala rin ang DOJ na hindi pwede ang habeas corpus dahil may umiiral na warrant of arrest sa dating pangulo at para lamang ito sa mga iligal na kinulong na taliwas naman sa nangyari kay Duterte.


May limang araw ang respondents na sina Rep. Paolo Duterte, Mayor Baste Duterte at dating presidential daughter Veronica Duterte para sumagot sa petisyon.

Kanina nang kumpirmahin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sila na ang kakatawan para sa respondents matapos umatras ang Office of the Solicitor General.

Facebook Comments