Monday, August 17, 2026

PAG-GAMIT NG FAKE STUBS PARAMAKAKUHA NG AYUDA SA DAGUPAN CITY, MARIING KINONDENA

Kinondena ng Barangay Poblacion Oeste sa Dagupan City ang pamemeke ng claim stub, na anila’y nakaaapekto sa bilang ng relief goods na nakalaan para sa mga pamilyang tunay na nangangailangan.


‎Ayon sa kapitan ng barangay, kapag may mga gumagamit ng pekeng stub, nagkukulang ang bilang ng relief goods na naitala para sa mga benepisyaryo.

‎Aniya, sinisikap nilang maging patas ang pamamahagi ng ayuda kaya wala sanang manloloko o mamemeke ng claim stub.


‎Pinayuhan din ng kapitan ang publiko na iwasan ang ganitong gawain dahil ang bawat pekeng stub ay maaaring magresulta sa kakulangan ng relief goods para sa mga pamilyang higit na nangangailangan.


‎Matatandaang nabisto ang isang 44-anyos na babae noong Agosto 13 matapos umanong gumamit ng tatlong pekeng claim stub sa relief distribution sa Juan P. Guadiz Elementary School sa naturang barangay.

‎Sa unang batch ng pamamahagi ng DSWD sa araw na iyon, umabot sa 1,287 katao ang nabigyan ng relief goods.

‎Matapos beripikahin ng mga awtoridad ang mga stub ng babae, natuklasang peke ang mga ito.

‎Dahil dito, nagsagawa ng citizen arrest ang barangay at inala ito sa Police Station 1 ng Dagupan City Police Office matapos isailalim sa medico-legal examination.

‎Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o falsification by private individual and use of falsified documents. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments