DALAWA KATAO, SUGATAN SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTOR SA BAYAN NG STA BARBARA

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawa katao matapos ang naganap na banggaan ng kani-kanilang mga motor sa bayan ng Sta Barbara.
Naganap ang aksidente sa Brgy. Maningding sa nasabing bayan pasado ala-una ng madaling araw.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na magkasunod na binabagtas ng mga biktimang sina Justine Cendana at Brenner Dela Cruz ang kahabaan ng nasabing barangay sakay ng kanya kanyang motor.

Paliko na sana papasok sa kanilang compound si Cendana ng aksidenteng mabangga ng kasunod na motor ni Dela Cruz dahil dito ay tumilapon ang dalawa at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan at kasalukuyang inoobserbahan. |ifmnews
Facebook Comments