Dalawang linggong total lockdown sa NCR, ipinanukala ng isang health expert!

814

Magpatupad na ng dalawang linggong total lockdown sa National Capital Region (NCR).

Ito ang ipinapanukala ng health expert na si Dr. Anthony Leachon kasunod na rin ng posibilidad na umabot sa 20,000 hanggang 40,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa susunod na linggo.

Sa interview ng RMN Manila, binigyang-diin ni Leachon na dapat higpitan ang galaw ng publiko at huwag hayaan na lalo pang kumalat ang virus, partikular ang Omicron variant.


Sa panahon aniya ng lockdown, sinabi ni Leachon na tutukan at mas higpitan pa ng pamahalaan ang isinasagawang testing, contact tracing at booster shot.

Nagbabala rin si Leachon na kung hindi bababa ang kaso ng COVID-19 ay posibleng malagay sa alanganin ang health sector, mass transport at iba pang manggagawa.

Facebook Comments