DALAWANG WANTED, ARESTADO SA BUGALLON DAHIL SA FRUSTRATED HOMICIDE

Arestado ng Bugallon Police Station ang dalawang wanted person sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) kaugnay ng kasong Frustrated Homicide.

Isinagawa ang pag-aresto noong Oktubre 1, 2026, kaugnay ng Criminal Case No. L-16516 na inihain sa ilalim ng Article 249 ng Revised Penal Code (RPC).

May inirekomendang piyansa na ₱72,000 para sa kaso.

Matapos ang pag-aresto, dinala at isinailalim sa kustodiya ng Bugallon Police Station ang dalawang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon alinsunod sa proseso ng batas.

Ang mga naaresto ay itinuturing na akusado at mananatiling inosente hangga’t hindi napapatunayang nagkasala sa korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments