Dating BuCor Chief Gerald Bantag, nahaharap sa panibagong kaso

Nahaharap sa panibagong kasong grave coercion si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag.

May kaugnayan ito sa sinasabing pananakot ni Bantag sa isang jail guard.

 

Kabilang sa respondents sa kaso sina dating BuCor Spokesperspon Gabriel Chaclag at 10 iba pa.


Batay sa reklamo ng jail officers mula sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa City, Palawan, March, 2020 nang ipa-report sa New Bilibid Prisons (NBP), Muntinlupa City ang naturang jail guards.

Ayon sa mega complainant, pinilit sila ni Bantag na pumirma sa isang kasulatan na nagsasaad na walang nangyaring shooting incident sa IPPF noong March 1, 2020 kung saan sangkot ang ilang BuCor personnel.

Ang panibagong kaso laban kay Bantag ay nakatakdang ihain sa Muntinlupa RTC.

Facebook Comments