Dating Congressman Arnolfo Teves Jr., isinugod sa ospital dahil sa severe stomach pain

Isinugod sa ospital ang nakakulong na si dating Congressman Arnolfo Teves Jr., kaninang umaga.

Ayon sa abugado nito na si Atty. Ferdinand Topacio, kagabi pa dumaraing ng sobrang pananakit ng tiyan ang kanyang kliyente.

Binigyan aniya ito ng atensyong medikal ng mga tauhan ng BJMP kaninang alas-5:00 ng umaga pero hindi agad dinala sa ospital.

Sinabi ni Topacio na tumanggi ang BJMP na dalhin si Teves sa ospital kahit namimilipit na siya sa sakit sa tiyan at nadala lamang ng dumating na siya sa Camp Bagong Diwa, pasado alas-7:00 kaninang umaga.

Sa ngayon ay hindi pa batid ang kondisyon ng dating mambabatas na sumasailalim sa evaluation at medical treatment.

Facebook Comments