Panukalang batas para amendyahan ang Right of Way Act, lalagdaan na ni PBBM

Lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukalang batas para amendyahan ang Right of Way Act.

Ang panukala ay kabilang sa mga priority bill na inaprubahan ng 19th Congress na layong mapabilis ang pagbili sa mga ari-arian na madaraanan o mahahagip ng mga ipatutupad na proyekto ng pamahalaan.

Sa panayam ng DZXL News, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na maituturing na “game changer” para sa government infrastructure projects ang pagsasabatas nito.

Masisiguro kasi aniya na magtuloy-tuloy na ang pagpapatupad ng pamahalaan ng mga proyektong pang-imprastraktura para sa kapakanan ng taumbayan.

Isa kasi ang panukala sa solusyon para magtuloy-tuloy na ang Metro Manila Subway Project na posibleng matapos pa sa 2032 dahil sa problema sa land acquisition.

Facebook Comments