Mahigit 150 na Pinoy sa Israel, nagpahayag na rin ng kagustuhan na makauwi ng Pilipinas; isang Pinoy sa Iran, nais na ring makabalik ng bansa —DMW

Mas dumami pa ang bilang ng mga Pilipino na nagpahayag ng kanilang kagustuhan para makauwi ng bansa.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, nagmula sa iba’t ibang lugar ang naturang mga Pinoy.

Bukod pa riyan, may isang Pinoy rin sa Iran ang humiling sa pamahalaan ng repatriation na apektado rin ng nagpapatuloy na tensyon sa naturang mga rehiyon.

Samantala, tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na may nakaabang na financial assistance na sasapat sa dalawang buwan na hindi makakapagtrabaho ang mga Pinoy dahil sa nagpapatuloy na sigalot.

Facebook Comments