Debut game ni Kai Sotto sa Gilas Pilipinas, plantsado na

39

Plantsado na ang debut ng 7-footer na si Kai Sotto sa seniors team ng Gilas Pilipinas matapos ianunsyo ng FIBA ang full schedule ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

Gaganapin ito sa Al-Gharafa Sports Club Multi-purpose Hall sa Doha, Qatar.


Unang makakalaban ng Pilipinas sa third window ng torneyo ang Korea na gaganapin sa February 18 alas-10:00 ng gabi.

Kabilang sa makakasama sa line up ni Sotto ang mga PBA veterans na sina Kefeir Ravena at CJ Perez gayundin ang mga Gilas cadets na sina Dwight Ramos, Juan Gomez de Liano, at Justine Baltazar.

Ang ikalawang game ng Pilipinas ay kontra naman sa Indonesia sa February 20.

Facebook Comments