Bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Sual Fish Port Complex noong Biyernes bilang bahagi ng pagpapatuloy ng programang “Handog ng Pangulo: Tulong at Serbisyo,” kung saan inilunsad din ang programang “Benteng Bigas, Meron Na!” para sa mga benepisyaryo sa lalawigan.
Sa kanyang pagbisita, ininspeksyon ni Pangulong Marcos ang mga natapos na proyekto para sa rehabilitation at modernization ng Sual Fish Port Complex, gayundin ang mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na bahagi ng pagpapalakas sa sektor ng pangisdaan.
Personal ding kinamusta at pinasalamatan ng Pangulo ang mga tauhan ng BFAR para sa kanilang dedikasyon, sipag, at sakripisyo sa pangangalaga ng yamang-dagat at pagpapaunlad ng industriya ng pangisdaan.
Ayon sa mga opisyal, ang pagbisita ng Pangulo ay nagpapakita ng patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga mangingisda at sa pagpapaunlad ng sektor ng pangisdaan sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










