
Pinuri ng fisher’s group na Pamalakaya ang UP Marine Science Institute (MSI) sa kanilang “accurate” assessment sa epekto ng reclamation projects sa Manila Bay.
Ayon sa grupo, hindi dapat magtapos sa pagiging rekomendasyon ang resulta ng pag-aaral.
Hinihiling din ng grupo na magkaroon ng konkretong aksyon dito ang Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Giit ng grupo, kailangang repasuhin na ng DENR ang environmental compliance certificate (ECC) ng nasa 22 proyektong reklamasyon sa Manila Bay.
Malawak na umano ang nasirang bakawan o mangroves at bahura o coral reefs sa isinasagawang reklamasyon at dredging sa Manila Bay, partikular sa lalawigan ng Cavite.
Facebook Comments