Department of Transportation, nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ng biktima ng malagim na trahedya sa NAIA T1

Ikinalungkot at nagpaabot ng pakikiramay para sa pamilya ng mga biktima ang Department of Transportation sa nangyaring aksidente na kinasasangkutan ng isang SUV na bumangga sa departure entrance ng NAIA terminal 1.

Kinumpirma ng DOTr na dalawa ang nasawi sa nangyari kabilang na ang isang 29 na taong gulang na lalaki at isang limang taong gulang na batang babae, habang apat ang nagtamo ng sugat na agad dinala sa isang ospital sa Pasay City.

Nakita na rin ng DOTr ang initial CCTV footage pero wala pang pinal na dahilan sapagkat patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Facebook Comments