New NAIA Infra Corporation President Ramon Ang, nangakong sasagutin ang gastos para sa mga biktima ng aksidente sa NAIA T1

Personal na sasagutin ni Ramon Ang ang lahat ng gastos para sa mga biktima ng aksidente sa NAIA Terminal 1

Kabilang na rito ang financial assistance para sa pamilya ng mga nasawi sa aksidente, gayundin ang medical assistance para sa mga nasugatan na kasalukuyang nasa ospital sa Pasay City.

Si Ramon Ang ay ang presidente ng New NAIA Infra Corporation na nangangasiwa sa mga terminal ng paliparan, at ng San Miguel Corporation.

Kanina ay personal din na nagtungo si Ang sa NAIA Terminal 1 upang tumulong at pangasiwaan ang pag-aalis sa bumanggang SUV sa departure area ng NAIA 1.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang NNIC sa mga awtoridad para sa isinisagawang imbestigasyon sa insidente, kung saan nagpahatid na rin ng pakikiramay ang pamununan sa pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments