Suspek na nasa likod ng appointment at government project for sale, nadakip ng CIDG

Nagpasaklolo sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga biktima ng appointment at ‘government project for sale’ scam.

Ayon kay CIDG Director PBGen. Romeo Caramat Jr., ang mga biktima ay inalok ng posisyon sa gobyerno kapalit ng malaking halaga kung saan ilan sa mga ito ay mga artista.

Kasunod nito, iprinisinta din ng CIDG ang naarestong suspek na si Edward Diokno Eje na ginagamit ang pangalan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at Executive Secretary Lucas Bersamin sa pang-i-scam.


Unang naaresto si Eje sa BGC, Taguig matapos manutok ng baril sa isang motorcycle rider at nagpakilalang taga-Office of the President.

Facebook Comments