
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Education (DepEd) sa mga regional at division office ng mga eskwelahan sa Mindanao na apektado ng magnitude 7.8 na lindol ngayong Lunes ng umaga, June 8.
Alinsunod din sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa mga apektadong lugar.
Maliban dito, nakikipag-ugnayan na rin ang DepEd sa mga LGU para ma-monitor ang kalagayan at kaligtasan ng mga eskwelahan, personnel, at mga estudyante sa mga apektadong lugar ng sakuna.
Giit ng DepEd, nananatiling prayoridad ng departamento ngayon ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at kawani.
Facebook Comments










