
Nakarating na sa General Santos City ang 1,500 family food packs at limang family tents mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 12 o SOCCSKSARGEN Region ngayong Lunes, June 8.
Nagmula ang mga ito sa warehouse ng DSWD sa Koronadal City at inihatid sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division, bilang bahagi ng relief operation ng departamento para masiguro na sapat ang suplay ng pagkain at may pansamantalang matutuluyan ang mga lumikas na pamilyang apektado ng lindol.
Samantala, ipinag-utos na rin ng DSWD Central Office sa lahat ng field office sa Mindanao na makipag-ugnayan sa mga LGU at Local Social Welfare and Development Offices para sa mas mabilis na pagresponde sa pangangailangan ng mga biktima ng sakuna, gaya ng pagkakasa ng assessment, pagbibigay ng psychosocial support, at iba pang serbisyo.










