
Nakatakdang ilunsad ng Barangay Bolosan sa Dagupan City ang Barangay Bolosan Digital Access Program para sa libreng access sa mga computer at iba pang educational services sa barangay.
Ayon sa ulat ng barangay, maaaring mahiram ng mga estudyante at residente ang kanilang laptop, gumamit ng computer sa Barangay Hall, at makapagpa-print nang walang bayad.
Patuloy din umano ang pagbibigau ng Sangguniang Kabataan ng iba pang educational support services sa mga estudyante.
Ayon sa Barangay Council at Sangguniang Kabataan, nabuo ang programa matapos ang isang dayalogo hinggil sa pagpapatupad ng City Ordinance No. 2383-2026 o ang city-wide ban sa mga pisonet establishments sa lungsod.
Hindi pa inaanunsyo ng barangay ang eksaktong petsa ng paglulunsad at ang kumpletong guidelines para sa mga inihaing libreng serbisyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










